Ipinagkait na Korona
Bakit ba may mga taong ang basehan nila sa pagpili kung sino ang dapat mahalin ay ayon sa bilang ng taon ng pinagsamahan? Bakit ba ang basehan sa pag-ibig ay kung sino ang nauna?
Kung sana hindi ito ang basehan ng karamihan sa atin, marahil ay masaya tayo, marahil ay wala tayong pagsisisi. Kasi kung lahat tayo ay iisipin kung sino ang nauna, e di sana sabay sabay na lang ipinanganak ang lahat ng tao! Hindi ba?
Bakit may mga taong hindi marunong magdesisyon?
Bakit ba may mga taong duwag?
Bakit ba may mga taong bulag?
Bakit ba may mga taong ngpapaka-tanga sa isang taong sinaktan na sya ng ilang libong beses?
ANo man ang sabihin nila, ano man ang sabihin ninyo, ako ang dapat na may hawak ng korona. Ako ang dapat may hawak ng titulo. Masaya ka man ngayon, titiyakin ko na pagsisisihan mo na ipinagkait mo ang lahat sa amin.
AKO SI REYNA GREZIA, ina ni Prinsipe Jarle Paolo GABRIEL.

Comments