All Lies...
Mahirap mabuhay sa puro kasinungalingan. Akala mo mahal ka ng mga tao sa paligid mo pero ang totoo pinapakisamahan ka lang. Mahirap magising isang araw na matapos mo itahi ang buhay mo sa piling nya ay hindi pala sya para sa iyo. Itinakda pala siya talaga para sa iba. Ginawa natin ang lahat mapasa-atin lamang ang pinakamamahal natin. Pero sa huli tayo ay isa pa ring talunan.
Ano't ano man, pinipilit pa rin natin na kumapit. Pinanghahawakan pa rin natin ang paniniwala na para sa atin talaga ang taong ito samantalang hirap na hirap na tayo. Hindi ito ang nararapat natin gawin. Bumitiw ka! Alam mo sa puso mo na hindi sya para sa iyo. Marami nang nangyari para mapatunayan mo sa sarili mo na hindi sya talaga para sa iyo. Madalas itinatanggi lang natin ang katotohanan. Kailangan mo gumising hangga't maaga. Huwag mong hayaan na lalo ka lang masaktan sa mga nangyayari. Huwag mo hayaan na isang araw pag gising mo, wala na sa iyo lahat ng bagay. Nasira na ang iyong buhay. Mahirap pakawalan ang taong hindi itinakda para sa atin. Ngunit kung ito ang ikabubuti mo, gawin mo! Tama ang kasabihan na bago mo mahalin ng lubusan ang iba, mahalin mo muna ang iyong sarili. Kapag sinabi mo na mahal mo ang isang tao, nangangahulugan ito na handa mong ibigay lahat ng best mo para sa taong ito. Serbisyo para sa kanya. Self-giving sa Ingles. Paano mo ibibigay ang sarili mo sa taong ito kung isa ka namang sira-sirang laruan?
Iligtas mo ang iyong sarili mula sa kapahamakan na dulot ng paninirahan sa sitwasyon na puno ng mga kasinungalingan.


Comments